........................................
Wednesday, October 18, 2006
Introducing "Da Logo" BOW!
The year is 1960...diyes sentimos ang sarsaparilya, na panulak sa Klem biscuit kaya naman kinse ang baon mo papasok sa eskwela. Pamasahe sa bus diyes sentimos (paano kaya nagkasya ang baon mo). Pero sa maniwala ka't hinde, may sobra pa ring pampasyal sa Clover Theater sa may Echague kung saan palabas si Bobby Gonzales at Cora Adajar. Tuwang-tuwa ka sa awitin nila sa saliw ng tugtog na rock and roll. Ganito ka noon, walang pera pero masaya. Naalala mo pa ba? Ang suot mo sa unang party mo, o ang unang date mo. Halika sama-sama nating sariwain ang ating kabataan habang nagkukwentuhan at nag-iinuman sa birthday celebration ni Boy, Libby at Andy sa Sulok. Tulad ng dati, Rockin' and Rollin' sa Sulok sa 2007!....wala na nga lang sarsaparilya.
Saturday, October 14, 2006
Ang Simula
Sa tinatagal tagal ng pagpaplano kung paano pagsasamahin ang mga litrato, sa dinami-rami ng oras inisip kung paano iuulat ang bawat salita at sa paghahangad na magkaron ng paraan upang tayo'y magkasamang muli at muli...finally (uyy, English yun) naisakatuparan ang isang pangarap. This is the culmination of our pursuit! Chet!...ang hirap umpisahan neto ha. Paano mo maikakatawan sa isang pangalan ang ating pinagmulan, ang ating memories na hinabi at patuloy pang hinahabi. Ano ang ipapangalan sa lugar na ating babalik-balikan na kakatawan sa mga plans at communication natin. Bakit kaya hindi "Sleepless in Sulok", "The Way TSulok Tonight" (corny talaga ni Don o), "Trinidad Chronicles".... At last, matapos ang masusing pagpapalitan ng suhestiyon at pambabagyo ng utak (brainstorming, hello)..."Sulok Reminiscing". Ito ang ating pinagmulan, dito tayo magkikita at magsasama-samang muli! Atin to, kapamilya!
Kudos to the group who met during Kuya Andy's visit and conceived this website idea and to Illa and Menggay for making it happen.