Introduction

Dress Up Games, Glitter Graphics, Cartoon Dolls, Myspace Graphics from dolliecrave.com


Ang website natin....sa paghahangad na magkaroon ng portal ng ating pagsasama, nang di na kailangan pang magpadala ng pictures sa mail at nang mabawasan na ang gastos sa phonecards. Higit sa lahat nang mabawasan ang distansyang sa gitna natin. Malugod kayong wine-welcome, magpost kayo ng artikulo, litrato, komento, reaksyon at kung ano ano pa. Kita-kits tayo.

Archives


HAPPY BIRTHDAY

For The Month of May


Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

May - May 20


Announcements

HELLO EVERYBODY

Please submit a solo i.d. (1x1) picture, kelangan plain white shirt lang ang suot and ang background is colored. We need the pictures ASAP.

(mga tiga-Virginia ang Pinas wala pa din mga pictures nyo! Please pakisend na via email)


Deadline na ng guest list ng mga birthday celebrants sa end of NOV. Pakifinalize na ang mga list nyo celebrants.

Photo Links

sulok before * nanay ision * tatay pedong * toto * kuya pit and family * kuya boy and family * kuya josie and family * kuya libby * ate laila * patrick * kuya andy * megan clarisse * family * brent's birthday * kuya ross' company picnic * megan's VA vacation 2006 * megan's vegas vacation 2006 * ate laila's US vacation 2006 * kuya andy's US vacation 2006 * tito andy costa's 60th birthday * kuya libby's pinas vacation 2006 * cherry picking * disney 2006 * happy birthday (allen and shara) * happy birthday (ate may) * LA vacation 2006 * mother's day celebration 2006 * pinas vacation 2005 * puerto galera 2005 * tambay sa brentwood * christmas 2006 * new year 2007 * reno/tahoe 2007 * happy birthday dongski * dee & ross' anniversary * dee's bday * easter 2006 * megan & iya's build a bear * megan's 4th bday * thanksgiving 2005 * thanksgiving 2006 * libby's 60th bday * libby's 60th bday part 2 * construction status * mural painting * pictures at noveleta * pictures at silang * antiques * *

Shoutbox


Sulok Speak 101

ALAM MO PA BA ANG MGA SALITANG ITO?


LAKING ANTOT - adj. korni

Use "LAKING ANTOT" in a sentence: Ate Fe calling Tito Jess, "Mahal, kumain ka na ba?"

Nanay Ision (bubulong-bulong sabay irap): Hmmmmph, Laking antot!


KOBOY - n. turon; isang masarap na panghimagas na gawa sa saging na saba (minsan ay merong langka)na binalot sa balat ng lumpia


TSIMUNCHANG - n. higad, in english caterpillar






Dress Up Games, Glitter Graphics, Cartoon Dolls, Myspace Graphics from dolliecrave.com
Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting


........................................

Wednesday, November 08, 2006

KOMITE DE FESTEJOS

Hello sa lahat. Napagkasunduan ng lahat na magkaroon ng kanya-kanyang assignment at ganon na rin ng mga responsableng tao para masiguro ang maayos na pagpa-plano ng ating projects...ang unang-una ay ang 2007 event natin. Mahal ang long distance kaya mabuting dito na lang sa email/website tayo mag-meeting.

Next year ay icelebrate natin ang 50th birthday ng Kuya Andy at isasabay na rin ang 60th birthday ng Kuya Libby at 65th birthday ng Kuya Boy. Ang theme ng party natin ay Dekada 50's, 60's, 70's, dahil ito raw ang mga year na nire-represent ang kabataan nila. Costume party.
Date: November 10, 2007 Lugar: Sulok Compound at ang ating ipinangalan ay "Rockin' and Rollin' sa Sulok sa 2007" (kung sa tingin ninyo may naisip pa kayo na mas magandang pangalan, pwede kayo pang mag-suggest.
- ang tema ay parang "Pag-asa ng Nayon" organization na pasayaw ng bayan style
- may imbitadong mga old teachers natin, or nila, old classmates (as in old na kasi nga sila")
- dahil dekada, may dancing, may singing, at higit sa lahat sa saliw ng tugtugin ng mga combo na siyempre ang tugtog ay old din
- costume party
- may mga trivia game na sasariwain ang mga nangyari nuong araw
- may video, old picture slide showing
- may performers din (to date: si Rene de Leon ay may potential na mag-Elvis Rock Around the Clock)
- and many more, habang pina-plano
- estimated 250 guests: ang bawat celebrant ay pinagagawa ng listahan ng kanilang gustong imbitahan
limitahan sa 75 each guest. Kung may gusto kayong isama, makipag-alam lang sa celebrant para maisama sa count.
IMPORTANTE: Paki-submit lang ang listahan ninyo at i-email sa da_3nidads@yahoo.com
sa end November 2006
- Costume Contest: ang manalo may prize

Ang mga committee ay ang sumusunod:

FOOD & BEVERAGE
- in charge na maghanap ng pagkukunan ng pagkain sa celebration, mag-canvas ng catering services
- mag-come up ng estimate sa budget at i-submit end of November 2006
- Phils: Laila
US: Dolly

ENTERTAINMENT/VIDEO
- magisip at magplano ng activiities sa program
- includes bands, videos
- Phils: Andy
US: Menggay

LOGISTICS
- imbitasyon, souvenir, dekorasyon, accommodation
- in charge din na maging ready para sa research ng pamasahe
- restroom provision planning para sa party, kung maari sana yung hindi na papasok sa bahay ang mangangasilyas
- Phils: Deeday ni Pit
US: Dee

COMMUNICATIONS/PROMO
- in charge na ikalat sa mga miyembro ang impormasyon
- webmasters: Illa & Grace

PARKING
- planuhin kung paano padadaluyin nang maayos ang mga sasakyan kung sakaling hindi lahat ng bisita ay gumamit ng traysikel
- Phils: Pit
US: Boy

Eto muna for now. Muli, please note yung deadline ng ibang kumite: end of November 2006. So, PLEASE, sana mai-email ninyo na ang assignment na pinahahanap sa inyo by Decmber 1, 2006.

Para sa mga tanong, paki-email ninyo nalang sa yahoogroups naten. Paki-encourage naman lahat, like ang mga bata, tulad ni Jeff, Toto, Justine na maging part ng planning.




LETTER FOR HALLOWEEN

Hello to Everyone,

By now, nagpe-prepare na siguro lahat for the Holidays, I meant Nov 1, Undas sa Pilipinas at Halloween naman sa Oct 31 sa US. Napanood namin sa TV na maaga naghahanda ang mga tao, ipinakita pa nga ang Dangwa, na maraming flowers. Nami-miss namin ang ganyan dito, lalo na ang walang pasok sa November 1 kasi may pasok sa US ang November 1. Hindi rin ba nakaka-miss ang ginatang ube na may pinipig, na nakalagay sa malaking kaldero at nakatago sa kwarto, pinapaamagan. Bukas Halloween, may costume na ang dalawang bata, si Megan ay kitty cat at si Sophia ay tiktilaok manok. Si Dongski ay nakapag-desisyon na huwag nang mag-costume at magpakatotoo na lang. Hahatiin niya na lang ang katawan niya katulad ng nakagawian nila ng kanyang kapamilya...nyeeee. Anyway, we miss every body. Please, check out ninyo ang website. Abangan ang future emails para sa mga assignment ninyo tungkol sa mga toka toka para sa pagdiriwang sa susunod na taon. Ang mga hindi pa nag-o ok sa yahoogroups, sige kayo mapag-iiwanan kayo sa kwentuhan. Ang mga wala pang email mag-create na...ang mga walang access sa email, ...susulatan na lang namin kayo at ipapadala sa koreo...sanay matanggap ninyo bago dumating ang okasyon.

Hello Ka-SulokReminiscings!

Mula sa Baranggay Chairman
Baranggay San Jose
US Chapter


pinopost ko na lang ang email sa yahoo groups para naman sa mga walang email eh ma-update din naman kau sa mga nangyayari. sa mga tamad magreply sa email o kaya naman eh walang email, sana naman pakibisita ang website naten ng hindi naman kau mapagiwanan (hehehe) ang hindi bumisita sa website hindi na kasali sa celebration sa november. (joke) isasama na lang sa blacklist ng mga trinidads. cge ka gus2 mo bang malagyan ng sungay ang mga pictures mo gaya nito...hehehehe....

Photobucket - Video and Image Hosting



Glitter Graphics, Myspace Graphics, Dress Up Games, Cartoon Dolls from Dolliecrave.com