Introduction

Dress Up Games, Glitter Graphics, Cartoon Dolls, Myspace Graphics from dolliecrave.com


Ang website natin....sa paghahangad na magkaroon ng portal ng ating pagsasama, nang di na kailangan pang magpadala ng pictures sa mail at nang mabawasan na ang gastos sa phonecards. Higit sa lahat nang mabawasan ang distansyang sa gitna natin. Malugod kayong wine-welcome, magpost kayo ng artikulo, litrato, komento, reaksyon at kung ano ano pa. Kita-kits tayo.

Archives


HAPPY BIRTHDAY

For The Month of May


Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

May - May 20


Announcements

HELLO EVERYBODY

Please submit a solo i.d. (1x1) picture, kelangan plain white shirt lang ang suot and ang background is colored. We need the pictures ASAP.

(mga tiga-Virginia ang Pinas wala pa din mga pictures nyo! Please pakisend na via email)


Deadline na ng guest list ng mga birthday celebrants sa end of NOV. Pakifinalize na ang mga list nyo celebrants.

Photo Links

sulok before * nanay ision * tatay pedong * toto * kuya pit and family * kuya boy and family * kuya josie and family * kuya libby * ate laila * patrick * kuya andy * megan clarisse * family * brent's birthday * kuya ross' company picnic * megan's VA vacation 2006 * megan's vegas vacation 2006 * ate laila's US vacation 2006 * kuya andy's US vacation 2006 * tito andy costa's 60th birthday * kuya libby's pinas vacation 2006 * cherry picking * disney 2006 * happy birthday (allen and shara) * happy birthday (ate may) * LA vacation 2006 * mother's day celebration 2006 * pinas vacation 2005 * puerto galera 2005 * tambay sa brentwood * christmas 2006 * new year 2007 * reno/tahoe 2007 * happy birthday dongski * dee & ross' anniversary * dee's bday * easter 2006 * megan & iya's build a bear * megan's 4th bday * thanksgiving 2005 * thanksgiving 2006 * libby's 60th bday * libby's 60th bday part 2 * construction status * mural painting * pictures at noveleta * pictures at silang * antiques * *

Shoutbox


Sulok Speak 101

ALAM MO PA BA ANG MGA SALITANG ITO?


LAKING ANTOT - adj. korni

Use "LAKING ANTOT" in a sentence: Ate Fe calling Tito Jess, "Mahal, kumain ka na ba?"

Nanay Ision (bubulong-bulong sabay irap): Hmmmmph, Laking antot!


KOBOY - n. turon; isang masarap na panghimagas na gawa sa saging na saba (minsan ay merong langka)na binalot sa balat ng lumpia


TSIMUNCHANG - n. higad, in english caterpillar






Dress Up Games, Glitter Graphics, Cartoon Dolls, Myspace Graphics from dolliecrave.com
Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting


........................................

Monday, June 25, 2007

Remebering Tatay Pedong Part 4

huli man daw at magaling, mahahabol din...ang memories ni toto of tatay pedong:

Ciempre ako to ang pinakasikat at pinakakontrobersyal n apo ng tatay pedong, si toto. Ang pinaka unang memory ko kasama ang tatay pedong ay ang mga panahon n lagi nia ako sinasama sa ilaya nakaangkas sa kanyang bike na old school. pupunta kami ng tindahan at papanuorin ko siya magtakal ng bigas habang nakatambay lang ako sa tindahan at humihingi ng ice cream. ciempre friends pa nten sila nun.nun bata pa ako inaabot kami hanggang gabi doon. Doon nadin kami naghahapunan. Tapos lagi kami maguuwi ng tinapay na may halong munggo. Di ko na alam kung ano tawag dun. Pag umuuwi kami naalala ko din na natatakot pa ako pag napapadaan kami sa may bakanting lote na ngaun ay school of life na. Lagi siyang nagagalit pag natatakot ako sa multo. Tinantawag niya akong duwag.

Ako din ang partner niya pag pumupunta sa kubo dati. Siyemre alam niyo naman ako di ako maciado mahilig magpaaraw, hehe. Paborito kong laruan yung irasan dati dahil malawak dun. Pero madalas pag may irasan ng asin, sa tabi tabi lang kami ng mga frends ko, sina jepoy, butsoy tska si illa. Hindi ako natuto magswiming sa style niyang hinahagis tapos sasagipin. Dahil nung ginawa niya sakin yun pinagsusuntok ko siya at tinulak ko din sa swiming pool. Natuto nalang ako lumangoy sa swimming lessons.

Siya din ang bumili ng bike kong red. Noong panahon kasing yun sikat ang batang may sariling bike na malaki. E medyo malaki na para sakin yun. Hindi ko na nga lang pinansin nung nagka roller blades na ko.

Dati nung bumagyo, nasira ang kubo, tinulungaan namin ang tatay pedong gumawa ng bagong kubo. Siya magisa ang taga pako at taga gawa. Kami naman nina Jepoy, buchoy at Hapon ang taga hakot ng kahoy at Yero na galing sa nasirang kamalig ng asin sa likod ng bahay.

Naalala ko din yung panahon na dito siya natutulog sa kwarto ko dito sa bahay namen. Yun yata yung panahon na wala ang Nanay Ision. Nasa States yata siya nun. Aun, lagi kami nanonood ng PBA at boksing. Tska lagi niya ako binibili ng gatas at tinsapay galing Ilaya.

Kasama din siya sa naggawa ng basketball court namen. lagi kami naglalaro noon nina Jepoy. Kasali siyempre ang Tatay Pedong. Malakas pa siya non pero mga bandang late 70's na siya. Madali na siyang hingalin.

Hanggang sa nagbinata ako. Sa kanya ko kinukwento palagi kung ilang points ang nagawa ko sa liga. Kung sino ang bago kong kursunadang babaeng taga Sulok. At kinukwentuhan niya rin kami nina Jepoy at Buchoy ng mga kalokohan niya noong araw na maaring sikret nalang naming mga boys hanggang sa pagtanda.

Naalala ko din na noong bago siya mamatay. Araw lang ang pagitan bago siya mamatay. Inutusan ako na tumabi sa kaniya matulog. Ayaw ko tumabi dahil gusto ko matulog sa aircon na kwarto. Pero pinilit nila ako. Edi ayun natulog ako doon at tinawag ko din si buchoy. Wala kaming kulambo ni Buchoy, Tatay Pedong lang. Hindi rin kami makatulog kaya nagkwentuhan kami. Hindi na makapagsalita Tatay pedong noon, puro ungol nalang. Nakakaawa yung kalagayan niya. Naisip ko sa sarili ko na napakayabang ko pala na hindi ko balak damayan ang Tatay Pedong nung araw na yun. Nagpapasalamat ako dahil nandun ako noong araw na yun ganun din si Buchoy dahil nagpapatawa kami doon sa kwarto na yun at kahit hindi siya makapagsalita at hindi narin siya makaupo. Napapangiti siya pag sinasabi namin na kulang lang siya sa popoy.

Hinahangaan ko ang Tatay Pedong dahil nakagawa siya ng isang malaki at matibay na pamilya. Hanga din ako sa kanya noong bata ako dahil hindi siya takot sa multo. Kaya niya matulog sa kubo magisa. Hanga din ako sa lakas ng daliri niya dahil hindi ko siya kaya talunin sa sumping( Di ko sure anung tawag dun, basta ung parang bunong braso kaso daliri yung gamit). Pero bunong braso di na siya ubra nung malaki na ko. Hanga din ako sa kanya dahil marami siyang kakilala sa Panapaan. Pag nagbike siya lahat ng matatanda pinapansin siya. Gusto ko ganun din ako paglaki. Marami akong tropa dito.

Nagpapasalamat ako sa kanya dahil magandang lalaki siya noong araw pati nanay Ision maganda din. Kaya cute ako ngaun, hehe. Yun lang. Salamat.




Tuesday, June 12, 2007

Sofia doing the Chicken Dance

October 2006 - Sofia in her Halloween Costume





Thursday, June 07, 2007

Dancing with the Trinidads

Typical weekend at the Manalad Residence (Brentwood, CA).
Mother's Day Celebration 2006





Wednesday, June 06, 2007

Remebering Tatay Pedong Part 3

More memories of Tatay Pedong from the younger generation ng trinidads....

From Illa:

1.) naalala ko dati naguunahan kame ni toto kung sino ang isasama ng tatay pedong at iaangkas sa bike nya papuntang ilaya, isang araw sabi ng tatay pedong ako daw isasama nya at wag daw ako maingay kay toto pero matulog muna ako..eh ayun nasobrahan ng tulog kaya umalis na tatay pedong, ang ginawa ko hinabol ko sha mula sa bahay tumakbo ako ng umiiyak (take note bata pa ako nito mga 5 yrs old lang ata ako)..nakarating ako hanggang ibaba sa tindahan ng lola puring tapos inuwi ako ng tatay pedong..buti na lang hindi ako sinumbong sa tatay at nanay ko kundi pinalo ako..

2.) lagi kame sumasama sa tatay pedong sa kubo kapag papakainin na nya ung mga isda ng lumang tinapay at siopao.

3.) naalala ko ung black and white na tv nya sa kwarto...kahit na black and white un tumatambay pa din kame ni toto sa kwarto nya at nakikinood.

4.) laging naguuwi ng pasalubong ang tatay pedong from ilaya, ang paborito ko ung mongo bread chaka funwich (ice cream sandwich).

5.) noong panahon namen malaki na magbigay ng pamasko ang tatay pedong, 100 pesos na ang natatanggap ko meron pa ngang time na 200 pesos ang binigay nya saken...haha!

From Jastine:

6.) Naaalala ko noong sa Theresian pa ako pumapasok, kapag huminto ang service sa ilaya tatawagin ko ang tatay Pedong. Lalapit sya and tatanungin nya ako kung ano ang gusto ko from the tindahan. Kaya gustong gusto na humihinto kami sa kanto kasi lagi akong may pagkain.

From Joscen:

7.) Mabait sa akin ang Tatay Pedong. Pinupuri nya ang mga drawing ko pag nakikita nya, mas magaling daw ako madrawing kesa kay Patrick he he. Pag Christmas lagi sya may pamasko sa akin na bagong pera. Lagi ko syang kinakawayan kapag dumadaan kami sa Ilaya kasi lagi syang nakatambay sa labas ng tindahan.

From Patrick:

8.) Noong buhay pa tatay pedong pinangarap kong magsimba kasama sya kaso hindi ko na maalala kung sinama nya ko pero minsan nakikita ko sya magpakain ng inaamag na tinapay sa mga isda un lng po ang naalala ko at lagi n lng sinasabi na mas magaling c josen magdrawing kaysa sa akin ok lng un at meron pang isa punta kmi sm nung 4 years old pa lang ako kumain kmi sa max's.




Remembering Tatay Pedong Part 2

More fond memories of Tatay Pedong...from Kuya Libby:

Parang kahapon lamang, noong unang panahon :

Early rekoleksyon ko sa kanya, dadalhin nya kami sa ilaya, sakay ng kalesa niya ( i guess ), pero ang funny part ay wala pa akong salawal. remember this was prior to boxer shorts or briefs. at the most na siguro na suot namin ay salawal na yari ng nanay teya mula sa mga pira-pirasong tela na binile sa palengke ng sapote.

When i was about seven and in grade 1 under miss ferrer sa ilalim ng bahay ng nanay ni maria at ipang (forgot her name), may pupuntahan kami ng nanay ision kasama ang ate fe nyo. when i was bitten by amadora alhambra's dog sa paa; therefore, was sentenced to 35 shots of the anti rabies to be given every day at the periculture clinic sa bayan, same place na court hearings ng kaso natin with ong..i was accompanied by tatay on with his bike, evry day for 35 days. the shots were given on the back muscles and by the end of the shtos, my back was like a piece of leather. everybody was impressed by how brave i was, and this my fellow ka- trinidanians was the reason why i wanted to be DOCTOR at such early years.. he was my first idol. the uniform, the smell of the rubbing alcohol and the clinic setting impressed me most. i can't wait for my next visit to the doctor. tapos ay ihahatid nako sa school ng tatay and to impress him which doesn't take much, i say with gusto: " good morning teacher, good morning classmates " very proud ang tatay sa akin kahit noon pa, in his own humble way.

A few footnotes to the story: i was the one attacked by the dog because nanay ision picked your ate fe up instead of me. and in those days we have to bring our own chairs to the school everyday prior to later wooden desk which we eventually have. also, ang baon namin isang bagol na sinko, which can buy koboy or goto or even sigay. i ended up to be 2nd in class, 1st was Azucena San Miguel, and 3rd was Danny anak ni Enang magbuburo sa ilaya. Teka muna medyo naliligaw yata ako ng landas dito; just wait na lang for my coming memoirs.

Some of tatay's quirkiness's:


1. Dont smell the flowers kasi mabubulok ang ilong mo.
2. Huwag kang hihinga kapag dumadaan sa bahay ni Islaw na may t.b. para hindi ka mahawa -- which could be true to these days,
at ang sabi niya kay Fuji,
3. Huwag kang dadamba at tutuluyan kita (animal abuse).

Tatay is always the quiet one, the thrifty, the masipag, contrary to what nanay is always proclaming kasi ang nanay ay medyo kaunting slave driver; he's always a debonnaire, the shy type, but most of all he is a simple man - all of the attibutes that he passed on to me unknowingly.

Piece of advice he gave me on my first trip away from home: KAILANGAN MARUNONG KANG MANINDIGAN LALU NA KUNG ALAM MO NA TAMA KA @ mia airport sept. 26, 1969 .

We all love you and miss you Tatay Pedong-- libby



From Dolly:

...naalaala ko pa, mahal na araw noon nanahi ako nabali ang karayom ng makina at naiwan ang kaputol ng karayom sa hintuturo ng kamay ko, pilit na inukit ang hintuturo ko para makuha ang kaputol ng karayom at nawalan ako ng malay,hindi ko makakalimutan iyon...
(Comments: Ikaw talaga Mama kahit sa blog pang-melodrama ka)




Tuesday, June 05, 2007

Remembering Tatay Pedong

Remembering Tatay Pedong

This Saturday June 10, 2007 would have been the birthday ng isa sa mga taong haligi ng aming pamilya. Hindi ko na paliliguy-liguyin pa, siya si Alfredo Trinidad, kilalang Itay, Tatay Pedong o Ngo-Dep sa bawat isa sa amin, ang kahating bahagi ng taguring Ision-Pedong, "Dudi-Kakak" sa bunso kong kapatid na si Allen at bagaman hindi sila nagkita ng personal, Lolo Pedong para kay Megan, Sofia at Gio. Hawig sa mga panulat ng biography ng mga kilalang tao kung saan ang introduction ay ganito ang tema: "Si Don Alfredo ay nagtagumpay sa larangan ng pag-aasin at nakapagpalago ng maraming negosyo...blah...blah...blah" hanggang matuleg ang tenga sa dagundong ng yabang, hindi sa ganitong paraan ko nais alalahanin ang Tatay Pedong ko. Unang-una ay taliwas sa katotohanan dahil mahirap lang kami. Pangalawa at mas mahalaga, sa aking palagay kung siya ay tatanungin, ang pinakamalaki niyang yaman ay ang pamilya niya na kanyang naitaguyod sa hirap at kayod.

Ang Tatay Pedong ang nagturo sa akin lumangoy at mag-bike, pehe sa tag-ulan, tilapia sa tag-araw, malutong na sampung piso pag Pasko. Ikaw? Ano ang natatandaan mo sa Tatay Pedong??

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Mula sa Kuya Andy:

1. in the heat of beatle mania ( about 1963), i asked him to convert my toy guitar into an electric guitar. innocent that i was, i requested him to simply attach electric wire and plug it direct to electric socket thinking i will be generating the electric sound i like and not electric shock. of course he refused and that is why i am still alive.


2. he helped me with my project "sandok" in my grade 5 work education class. i got good grade out of that.

3. hindi siya masyadong namamalo di tulad ng nanay ision. pero one time pinalo niya ako eh halos mamaga ang aking puwet. ang dahilan: ayaw ko ng ulam, hehe.

4. mahilig siyang maglagay ng barya sa mga haligi ng bahay (at that time, some of the colums were made of bamboo)- proof na matipid siya. noong giniba ang bahay to make way for new construction, ang dami naming pera.

5. siya rin ang nagturo sa aking lumangoy. hinagis nya lang ako sa ilog tibag. hangang ngayon, langoy aso pa rin ang alam ko, haha.

6. alam nyo ba na ang una kong guitar ay bigay ng tatay pedong. matapos ang madrama na hingian ng pera na tumagal yata ng 1 week, pumayag din siya. ang budget P350. ang guitar na ito ang ginamit nina dee and may at ginagamit pa rin ngayon ni toto.

7. siya din ang bumile ng una kong bike na surplus yata from sangley point. kaya lang pang babae. pero i was proud then dahil bihira ang may bike sa sulok. madami ang natutong mag bike dahil dito kasama na sina may, dee, tolits, pit, ate fe, etc.

8. mahilig siyang kumanta ng "pen-pen-de sarapen" and "may isang puno ng papaya (di ko alam kung ito ang title pero iyang ang first line)" noong bata pa ako. ang nanay ision never mo marinig kumanta. maybe sa tatay ako mana. nasa tono kasi siya kumanta. si dee and illa mana sa nanay ision.

Mula sa Ate Fe:

9. naalala ko sa tatay pedong noong grade one ako graduation noon kasama ako sa program pero na sabi ko sa kanya na yong anak ni Mrs. San Jose na si Lina ay first honor pumunta siya school kina-usap si Miss. Cayton at sabi ko raw ay ako ang dapat na may honor laking hiya ko noon at nag-iiyak ako bago ang program.


10. One time naman malapit na ang fiesta sa atin gusto kong bumili ng rattan para puan sa terrace natin para may upuan sa labas humingi ako ng pera sabi niya sa akin wala daw siyang pera ang ginawa ko binuksan ko yong cabinet ng damit niya sa kuarto nila ng nanay Ision at dinukot ko lahat ng bulsa sa makatuwid ay nakakuha ng total na P150.00 so nakabili ako sa Zapote.

11. noong maliit pa ako nag punta kami sa Cavite City para mamiesta sa kamag-anak ng nanay ision na si Encarnacion Barron punta kami sa palengke at binili niya ako ng inflated penguin - tuwang tuwa ako noon." (Comment: huyyyyy, unica hijaaa....)

12 ...at noong napatira siya dito sa america ayaw niyang kumain ng repeat ayaw niya ng kanin na init sa microwave, away niya ng chicken noong bago sila sa america. Nag- garage sale kami gumawa siya ng dalawang banko at inilagay niya sa labas para upuan namin may nakagustong puti halaga niya ay $1.00 each tumawad yong puti na .50 cents na lang kaya binigay na rin niya.

13. AND THIS ONE'S A CLASSIC : the expression "uga-ugaling hirap!"

From Kuya Jess:

14. Naalala ng Kuya Jess na hindi makakain ang Tatay Pedong kung walang pamutat after meal.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket